top of page

Why Filipino Moms are the best?

  • Lea May F. Cabansag
  • Feb 25, 2018
  • 3 min read

Nakatatak na talaga sa puso at dugo ng mga Pilipino ang mga linya ng kanilang mga magulang na siya na mang na adapt na rin ng mga magulang natin ngayon. Ang masaklap pa tayong mga kabataan ngayon ang siyang naapektuhan at naiirita sa mga sinasabi nila. Ang mga ilan lamang sa mga sumusunod ay mga ginagawa at sinasabi ng mga Nanay natin.

1. Bungangang mala armalite.

Kapag di ka pa gumising at bumagon bago tumilaok ang manok tiyak asahan mo na magiging alarm clock mo na ang bunganga ng Nanay mong mala armalite, kesyo kakapuyat daw mo kasi at kaka-facebook tinanghali kana ng gising. Kaya ayun napagalitan ka ng Nanay mo.

2. “Tanghali na!”

Basta sumikat ng yung araw tanghali na para sakanya, kahit alas syete palang ng umaga. Super Advance! Kesyo kaya daw namamalas kasi matumal daw gumising ganito at ganyan.

“Nung kabataan ko..”

Lagi nalang nilang kino-compare yung panahon nila noon sa ngayon, kapag nagsimula nayan hindi mona mapipigilan ang pag reminisce. Masuwerte daw tayo kasi ganito, hindi daw kasi pwede ang tutumal tumal nung panahon nila. Isasalayay niya pati yung pag igib ng tubig, pagpunta sa bukid kahit tirik yung araw para kumuha ng bunga ng mais, naglalako ng gulay, paglilinis ng buong bahay, kesyo kamote lang daw ang pagkain nila noon ngayon may pa Jollibee at cake na.

4. “Ang tamad mo!”

Kakatapos mo lang maglinis tapos uupo para magpahinga, makita ka lang ng Nanay mo na nagchichill papagalitan ka nanaman niya at sasabihin “ ang tamad tamad mo! Wala ka nang alam kundi mag internet, matulog at kumain ganyan ka nalang ba lagi ha?!!”. O diba nagpahinga ka lang naman saglit ayun napagalitan ka na ng nanay mong dragon. GRRR!

5. “Ayan kakapuyat mo!”

Hindi lang maayos ang lagay mo at sasabihin mo lang nahihilo ka at masakit ang ulo hayun at pagsasabihan kapa dahil daw yan sa kaka-internet mo, imbes na alagaan ka, sinesermonan ka pa.

“Magbibigay din pala”

Hihingi ka lang ng pera pambili ng meryenda mo o mga bagay na gusto mo, sesermonan ka nanaman hanggang sa bibigyan ka rin. Kailangan ka pa kasing putakan ng Nanay mo bago ka bigyan. Masanay kana!

6.“Anak ano ito? ‘di ko makita”

Sa panahon ngayon naglalabasan na ang mga iba’t ibang makabagong teknolohiya gaya na lamang ng cellphone, pati ibang nanay may meron na ding ganito touch screen pa, pero ang pinakamatindi, ang paghawak at paggamit nila ng cellphone. Kung tayong mga kabataan ang paghawak natin ng cellphone ay medyo malapit sa mukha sila, sobrang layo yung tipong ibibigay na yung cellphone at yung index finger nila ang ginagamit pang scroll ng mga pictures.

7. Ibibida yung mga medals/trophy mo

Lagi ka nalang pinapagalitan at sinesermonan pero pag andyan ang mga bisita ibibida ng Nanay mo yung mga medals mo kaya ayun tuwang tuwa ka naman pero meron ibang Nanay na maiirta ka dahil sa sobrang OA na pag larawan kung paano mo nakuha yung achievement nay un.

8. Referee

Kapag nag-aaway kayo ng mga kapatid niyo, imbes na awatin kayo pinagtutulakan niya pang magpatayan kayong dalawa. Bibigyan pa kayo ng tag-isang kutsilyo. Ang galing lang!

9. Masyadong tipid

Kakain na ngalang ng masarap magtitira pa para bukas. Yung mga kaklaseng mong may baon na 100 pesos isang araw ikaw 50 pesos ang masama pa niyang kukunin pa ng kapatid mo yung 25 pesos kaya ayun 25 pesos nalang din ang meron sa’yo.


 
 
 

Comments


Recent Posts
  • Facebook - Grey Circle
  • Google+ - Grey Circle
bottom of page