Limang Paraan Paano Iwasan Ang Pagkahulog kay Bes!
- Cyrill Jorne P. Esta
- Feb 26, 2018
- 2 min read
Gusto mo bang mapunta sa next level pa ang friendship niyo ng kaibigan mo? Naisip mo na ba na kung sakaling mag confess ka sakanya ay may tyansa na lalayo siya sayo? O edi boom! Masisira narin ang friendship niyo. Kaya naman narito ang Limang Paraan upang maiwasan ang pagkahulog sa iyong kaibigan.
1. Kurutin ang Sarili.
Gumising sa katotohanan na kayo ay hanggang magkaibigan lamang. Kung sa tingin mo ay sadyang na bibitag ka na sa kaniyang ka-gwapuhan o ka-gandahan ay dapat isantabi muna ito. Imulat ang iyong 2 mabibilog na mata at kontrolin ang pag-tibok ng iyong puso.
2. Uminom ng Datu Puti at Puksain ang kapaitan.
Huwag mo siyang kaiinisan kung isang araw ay sasabihin niya sayong may linilagawan na siya. Huwag maging singpait ng ampalaya sa kabitteran! Bagkus, ipagdasal mo nalang na sana hindi siya sagutin ng taong balak niyang ligawan.
3.Takpan ang Bunganga. .
Sikaping maging mapagmatiyag sa iyong sarili. Baka di mo namamalayan na nadudulas ka na pala at sa puntong iyon, nasabi mo na pala ang feelings mo sakaniya! Baka magulat yan ng wala sa oras at pagtawanan ka o kaya naman lalayuan ka ng husto. O edi friendship is over na kumbaga.
4. Pwede mag assume pero bawal ma-fall!
Ang pagkindat at pagyakap niya sayo ay normal lamang. Ibig sabihin, hindi lamang ikaw ang binibigyan niya ng ganyang klaseng moves kumbaga ginagawa niya rin ang mga iyan sa iba niya pang barkada. Pero okay lang ang mag-assume o isiping super special ka sa kaniya dahil ikaw lang naman nakakaalam, ‘di niya naman alam na kung ano-ano na pala ang nasa utak mo pero dapat tandaan na huwag na huwag mo itong ipapaalam sa kaniya. Kaya keep it up!
5.Gamutin ang Sariling Sugat.
Sa puntong ito ‘di mo naman maiiwasang malungkot o umiyak kapag nahulog ka na talaga sakaniya plus! alam mong hanggang sa kaibigan lamang ang maibibigay niya. Kaya dapat isiping kuntento ka nalang sa sitwasyon niyo kaysa naman sa layuan ka at tuluyan na nga siyang mawawala sayo.
Kaya naman laging tatandaan ang limang paraan na ito upang makatulong saiyo kung sakaling nahuhulog ka na sa kaibigan mo. Remember, nasa iyong mga kamay ang kamalasan at kaswertehan. Goodluck sa pagkahulog kay Bes!
Comments