top of page

Certified K-Drama Addict

  • Lea May F. Cabansag
  • Mar 1, 2018
  • 2 min read

Annyeonghaseyo!

Isa ka ba sa mga nababaliw sa mga K-Pop? Halos lahat na ng kabataan o mapa matanda man nakiki ’oppa’ at ‘finger heart’ na din. Ang mga ilan lamang ay ginagawa ng mga kabataan ngayon at kinain na ng sistema.

PALAKIHAN NG EYEBAGS

Magsisimula ka ng alas sais tapos tuloy tuloy na yun. Kapag hindi ka na satisfy sa isang episode hindi mo tatantanan hanggang sa umabot kana ng madaling araw. Walang tulog pero masaya ka kasi natapos sa isang araw yung isang series.

CHOPSTICK

Kung noon nag kukutsara at tinidor ka, ngayon tinatakas mo pa yung chopstick sa restaurant para lang may magamit ka sa pagkain ng pancit canton. Kahit na pa mahulog ng ilang beses yung pagkain.

TINATRY LAHAT NG KOREAN PRODUCTS

Humihingi ng pera tapos sasabihin na pang project tapos yun pala pupunta sa Watson o sa pinaka malapit na make-up store para lang bumili ng Korean makeup products kasi yung mga characters na napapanood mo parang wala silang pores kaya pati ikaw nakiki uso na din.

DINA-DOWNLOAD ANG MGA OST

Na LSS sa isang episode kaya ang resulta, magpapaload sa tindahan para lang may pansurf at i-dodownload ang kantang kinababaliwan mo. Kahit ‘di mona naman talaga alam yung ibig sabihin nung kanta. At kahit mali mali na tuloy pa rin ang pagkanta mo, walang makakpigil sa’yo.

TRYING HARD NA MAGSALITA NG KOREAN

Kapag tumatak sa’yo yung isang linya babalik balikan mo yung part na yun at susubukan mong bigkasin kahit na nabubulol kana.

TATAAS ANG STANDARD SA MGA LALAKI

Kapag nanonood ng K-Drama hindi mapipigilang i-compare ang mga lalaki dito sa pilipinas at sa mga Korean, gusto nila dapat makinis at gwapo. Kahit hindi naman sila magaganda. Echusera ka day, Choosy ka pa!

HAIRSTYLE

Ng dahil sa Korean drama, nagustuhan mong mag pa-bangs at magpagupit ng buhok na parang lampaso kahit na sabihin pa nilang hindi bagay sa’yo go parin ng go. Wa kang pake!

EXPRESSIONS

Ginagamit na natin ito sa daily basis kahit na magmukha tayong tanga kasi hindi nila tayo maintindihan basta ang goal natin masabi yung mga words na natutunan natin. Eodi? Eotteokhae?! Kamsahamnida

COLLECTION OF OPPAS

Kapag tapos na yung isang series sasabihin mo crush mo sya, akin sya, mga ganung bagay. Hindi mo talaga sila kayang palitan, kasi nga kinokolekta mo sila.


 
 
 

Comments


Recent Posts
  • Facebook - Grey Circle
  • Google+ - Grey Circle
bottom of page