HUGOT Songs of OPM
- Cristine G. Cabrera
- Feb 28, 2018
- 2 min read
Tadhana - Updarma Down
Magtiwala sa tadhana. Ihahatid ka nito sa kaporeber mo kaya 'wag kang munang lumandi.
Kisap mata - Rivermaya
Mahal ka ng jowa mo ngayon, bukas hindi na. Lamporeber sa kantang ito.
Huling el bimbo - Eraserheads
Kwento ng magkababata na nagmahalan. Nagmahal, naghintay, nawalan ng minamahal kaya dapat wag mo ng palampasin ang pagkakataon
Malaya - Moirra dela Torre
Sabi nga nila mas mabuti ng mag let go kaysa magtiis sa relasyong walang patutunguhan.
Pakisabi Na Lang - Aiza Seguerra
'Yung mahal mo may mahal ng iba kaya pakisabi nalang na mahal mo siya. Wala din namang kwenta.
Paano na kaya? - Bugoy Drilon
'Wag mahalin si bes. 'Pag nagbreak, relationship mawawala pati na rin ang friendship.
Kung Malaya Lang Ako - Kris Lawrence
Bawal na pag-ibig. Tagong relasyon. Uso ito ngayon lalo na sa mga kabataan na strict ang parents. Di maipagsisigawan ang pagmamahalan.
Nanghihinayang - Jeremiah
Sa mga nag let go at na-realized na mahal parin pala ang ex nila. Nagsisi kung bakit di pinasaya yung dating jowa sa piling niya.
Kundiman - Silent Sanctuary
Kapag nagbreak kayo ng boyfriend mo, stay as friends at 'wag maging bitter sa isa't isa.
Pusong bato - Aimee Torre
'Wag magmahal ng wagas. Kung manhid ang mahal mo, batuhin mo ng bato sa totohanan para magkaroon ng feelings sayo.
Kunin mo na ang lahat sa akin - Angeline Quinto
Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang si Coco Martin dahil kailangan pa siya sa Ang Probinsyano. Minsan lang kita iibigin Minsan lang kita iibigin. Minsan lang talaga dahil bawal ang paulit ulit.
Bakit nga ba mahal kita? - Roselle Nava
Ito ay kantang para sa mga tanga. Insanity with obsession.
Mahal ko o mahal ako - KZ Tandingan
Ang kantang ito ay sumusubok sa abilidad mong pumili. Puso na pipiliin ang ang mahal mo o utak na pipiliin ang taong mahal ka.
Cool off - Session Road
Kung kayo talaga sa huli, magkikita at magkikita din kayo.
Comments